shet, syempre, dahil walang magawa at nakakatamad mag-aral....
eto ang tulang sadyang nagawa sa pagkakabuklod ng mga mataimtim na sandali habang mag-isang nagmumukmok sa aking hapag kaharap ang teknolohiyang wari bang kailan lang napaso na ng panahon
buhusan ko kaya ang sarili ko ng isang batyang puno ng tubig
marahil, bagamat inaantok pa rin ako'y magising nang masigasig
sa ungol ng aso at mapagkunwaring pagbugso ng ulan
sa hagikhik ng mga tao sa di-mahulugang karayom na lansangan
Naduwal ako sa aking pagkagising
Sa relosan, ako'y napailing
Alas nuwebe impunto, huling araw ng dalawang linggong bakasyon
Wari bagang wala man lang akong napala sa ireng panahon
Ngayo'y alas-singko na ng hapon
Ngayo'y huli na ang lahat
Ngayo'y marami n'ang nagbago
Ngayo'y marami na'ng nasayang
Simbilis ng ihip ng hangin ang nalampasang mga araw
Kakain, magbabawas, hihimbing sa pagtulog 'wangis ng kalabaw
At bigla mo na lamang masasambit,"Ahy, sayang!"
At 'di sadya kang magpapaalam sa kahapong nagdaan
Unos at sakuna para sa kaligayahan at kagalakan
Wagi at pagdiriwang para sa kalungkutan at karamdaman
Lahat ay may natatanging kasalungat
Marahil, kamataya'y dito nga mag-uugat
Sino nga ba ang natatakot?
Sino nga ba ang nagyayabang?
Sino nga ba ang nagngingitngit sa galit?
Sino nga ba ang tunay na anak ng Diyos?
Mapatid ka man nang di mo natatanto
Hugutin mo man ang armas mong ginto
Liyaban mo man ang tangi kong tirahan
Sadyang pagtapak mo'y di katatakutan
Umangat ka man sa iyong kinayayapakan
Umayon man sa iyo ang karamihan
Talos ko ang dati kong alam
Na ang puso't diwa'y atin lamang hiram
Kanino, paano't saan?
Gamitin ang utak!
Wag aanga-anga
Sapagkat ang tunay na karunungan sa pangyayaring iyong kinabibilangan
Ay isang susi sa pagkamit mo sa pinakamatayog na tagumpay
.... ang pagkakasunod-sunod ng tulang ito ay isinadyang hindi magkakapantay sapagkat naniniwala ang may-akda sa kanyang prinsipyo na: ang may tunay na mata lamang sa diwang kanyang nais ipahiwatig ang siyang makakaunawa sa nais niyang iparating- magdulot man ito ng kabutihan o kasamaan sa mga taong nais niyang dulugan ng kanyang mga hinanaing....
--- ika-dalawampu't dalawa ng Hulyo sa taong Dalawpung libo't siyam, alas-singko ng hapon, Mark Aquino
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment